Sino Ka Ba Jose Rizal?
JR.jpg


Isang mainit na pagbati sa inyong lahat!

Sa yunit na ito, tutuklasin natin kung sino nga ba si Jose Rizal. Alam na natin na isa siyang bayani, kumatha ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, binaril sa Bagumbayan at tunay na pinalad na makapaglakbay at mabiyayaan na maraming talento.

Hindi nilalayon sa yunit na ito na isa-isahin at tumigil lamang tayo sa pag-alam ng mga impormasyon tungkol sa kanya kung kaya inaasahan na bawat pangkat sa ating klase ay magbibigay na ng mga basic facts at trivia tungkol sa buhay ni Rizal.

PANUTO
Hahatiin natin ang klase (A & B) sa mga maliliit na pangkat para sa gawaing ito. Ito ang itinakdang pangkat noong nakaraang linggo. Inaasahang makumpleto ang gawaing ito sa Hulyo 11, ika-12 ng gabi.

Punan ng namumutiktik (rich) na impormasyon, mga trivia atbp. na kailangang malaman ng ating IB class ang mga nakatakdang paksa sa inyong grupo (nakasulat sa ibaba ng mga paksa at sa kaliwang bahagi, nakasulat na ang pamagat ng mga pages).

Para sa mga naatasan sa mga akda na naisulat niya, kailangang samahan ng kaunting pagsusuri ang ipinaskil (post) na akda.

Gawing malinaw, interesante at malikhain ang presentasyon. Mas mahusay kung mabibigyan kami ng mga link na may kaugnayan sa paksa. Mga isinagawang play, video clips, TV shows, articles, pictures, websites at iba pa. Siguraduhing nakasulat sa pinakadulo ng inyong page ang mga sanggunian o sources gamit ang APA format.


PAGHAHATIAN NG GAWAIN

Inaasahang bawat miyembro ay mag-aambag ng kaalaman.
IB B
Group 1-Pamilya at Pinagmulan ni Rizal
Group 2-Kabataan ni Rizal
Group 3-Buhay Pag-ibig; Mga Babae Sa Buhay Niya
Group 4-Karanasan sa Pangingibang-bansa
Group 5-Buhay Propagandista
Group 6-Akda: Si Pagong at si Matsing
IB A
Group 7-Akda:Kaligiran (Background) sa Pagsulat ng Noli Me Tangere
Group 8-Pagmemedisina
Group 9-Akda: Huling Paalam (Mi Ultimo Adios)
Group 10-Rizal sa Dapitan
Group 11-To The Flowers of Heidelberg (Gawin ang pagsusuri sa Filipino)
Group 12-Akda: Talisay Hymn (Gawin ang pagsusuri sa Filipino)