Pagmemedisina ni Rizal:

Si Rizal ay nag aral- sa University ng Santo Tomas(UST) noong 1877. Ang unang kurso na pinasukan niya sa sa UST ay Philsophy and Letters. Lumipat siya sa pagmemedisina noong taon na yun na nagsespesyal sa pag gamot ng mata. Noong panahon na iyon, naipakita ang matinding diskriminasyonng mga Kastilang pari sa mga Pilipinong estudyante dahil sinabi ng isang guro ni Rizal sa kanya sa UST na kahit kailan hindi papasa sa kanyang klase si Rizal. Dahil dito, nagpasya si Rizal, lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang na tumungong Madrid na mag-isa para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng medisina. Nang siya ay 17 taong gulang ay nagtungo siya sa Espanya upang mag-aral sa Universidad Central de Madrid. Noong 1885 ay pareho niyang natapos ang kursong medisina at pilosopiya, at tinanggap niya ang Licentiate in Medicine degree. Noong Nobyembre 1885 sa Paris, nagtrabaho si Rizal bilang katulong ng isang kilalang optalmolohistang Pranses na nagngangalang Dr. Louis de Wecker. Nagdulot ito ng mas malalim na kaalaman kay Rizal sa kanyang panggagamot sa mata. Dito siya natutung magsagawa ng mga operasyon sa mata. Pagkatapos nito'y nagtungo siya sa Heidelberg upang magtrabaho sa Ospital ng Mata sa Unibersidad ng Heidelberg sa pamumuno ni Dr. Otto Becker. Dito niya rin sinulat ang kanyang napakatanyag na nobelang Noli Me Tangere.

Bumalik si Jose Rizal sa Pilipinas, at nagtayo siya ng isang kilnika sa Calamba, Laguna. Ang una niyang naging pasyente ay ang kanyang ina bagama't hindi niya lubusang naoperahan dahil hindi pa hinog ang catarata ng ina. Dito ay nakilala siya bilang "Doktor Uliman" dahil nanggaling siya sa Alemanya.

Kahit na noong siya's nasa Dapitan ay pinagpatuloy niya ang kanyang panggagamot. Kumalat ang kanyang galing at talento sa pagmemedisina kaya'y marami siyang naging pasyente mula sa iba't ibang dulo ng bansa at ng mundo.

Bukod sa pagmemedisina, kaya niyang magsalita ng halos sampung iba't ibang wika. Siya rin ay magaling sa pagsusulat ng mga tula, essays, journals, nobela, at iba pa.

external image joserizal.jpg
http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Jose_Rizal:_Academic_Life
http://www.loc.gov/rr/hispanic/1898/rizal.html
http://en.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%A9_Rizal
http://www.shvoong.com/books/1771555-dr-jose-rizal-background/
http://rizalproject.tripod.com/manggamot2.htm
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Intermediate_Thematic_Lesson/Lessons /Kasaysayan/buhay_ni_dr_jose_rizal.htm