"PANGINGIBANG BANSA NI RIZAL"

Ang unang bansa na pinuntahan ni Rizal ay ang Espanya sa 1882 para magkamit ng kanyang degree para maging Doktor ng Medisina at isang lisensya para sa Pilosopiya at Sining. Pero bago ginawa niya ang mga iyon, binisita muna niya ang Singapore, Naples at iba pang mga bansa. Pagkatapos, dumating siya sa Barcelona at doon niya sinulat ang kanyang unang sanaysay sa isang dayuhang bayan, ang Amor Patrio. Sa huling banda ng 1882, umalis siya sa Barcelona at pumunta sa Madrid upang mag-aral sa Unibersidad Central de Madrid. Doon siya nag-aral ng medisina at nagsimulang magsulat ng kanyang nobelang "Noli Me Tangere." Natapos niya ang kursong medisina at pilosopiya noong 1885.

Noong 1885, pumunta siya sa Paris, Pransiya at doon siya naging isang doktor ng mata. Nagtrabaho siya bilang katulong ng isang tanyag na doktor ng mata na si Dr. Louis de Weckert. Sa parehong taon, pumunta rin siya sa Berlin, Alemanya para maging mas mabisa siya sa pagiging isang doktor ng mata. Inilathala rin ang Noli sa Berlin noong 1887.

Sa 1888, pagkatapos ng isang maikling pagbalik sa Pilipinas, umalis muli si Rizal dahil naniwala siya na ang kaligtasan ng kanyang pamilya at kaibigan ay nasa panganib at dahil din sa away laban sa mga Kastila. Naglakbay siya sa Japan. Nagusto niya ang bansa dahil sa mga magagandang tanawin doon. Umibig din siya sa isang babae, si O-Sei-San o Usui Seiko. Hindi ito tumagal sapagkat pumunta siya sa Amerika at pagkatapos ay Inglatera. Nagdesisyon siya na magtira muna roon para mapabuti ang kanyang Ingles. Nagsulat din siya ng ilang mga sanaysay at artikulo para sa La Solidaridad. Sa mga susunod na taon, sinulat niya ang karugtong sa Noli, ang El Filibusterismo at tinapos niya ito sa Belgium.

Dahil sa espiritu ng liberalismo sa Europa kaya't mas lumawak ang kanyang interes. Nag-aral siya ng iba't ibang lengguwahe, naglakbay sa maraming bansa, kasabay ng kanyang aktibong kampanya para sa reporma sa Pilipinas. Nagsalin siya ng Sucesos de las Islas Filipinas, kung saan kanyang itinuwid ang mga pagkakamali sa nakatalang kasaysayan ng Pilipinas.

Pagkatapos ng El Filibusterismo, pumunta siya muli sa Hong Kong. Doon siya naging isang matagumpay na doktor pero bumalik siya sa Pilipinas noong 1892 kahit na ayaw ng pamilya at mga kaibigan niya dahil baka mapanganib ang buhay niya.

Noong nabilanggo siya sa Dapitan, nagkaroon siya ng oportunidad na maging isang surgeon para sa hukbo ng mga Kastila sa Cuba pero nang naglakbay siya, hinuli siya ng mga awtoridad at binalik nila siya sa Pilipinas.

Sources

http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Jose_Rizal:_Travels_and_Adventures
http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Noli_Me_Tangere
http://www.calodges.org/ncrl/RIZAL.html
2207913_f260.jpghttp://www.pinoyedition.com/talambuhay-ng-mga-bayani/jose-rizal/
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Cynthia/festivals/kaarawan_ni_jose_rizal.htm
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Intermediate_Thematic_Lesson/Lessons/Kasaysayan/buhay_ni_dr_jose_rizal.htm