• IB-B Group 3 Aldrich Mayoralgo, Cedric Chan, Paul Dee, Benedict Co

  • Mga Babae sa Buhay ni Rizal
  • Ang mga babaeng makikita sa buhay ni Rizal ay sina Leonor Rivera, Dona Teodora Alonzo, at si Josephine Bracken. Ang bawat babae ay may papel sa buhay ni Rizal at sa kasaysayan ng mga Pilipino. Si Leonor Rivera ay naging importante sa mga nobela at mga sinusulat niya. Si Dona Teodora Alonzo ay ang mapagmahal na ina ni Rizal, at si Josephine Bracken naman ay ang babaeng minahal at ikinasal kay Rizal.

  • Ang mga babaeng ito ay maihahalintulad sa mga gawa ni Rizal at sa mga kwentong Pilipino. Si Leonor Rivera ay makukumpara kay Maria Clara habang si Josephine Bracken naman ay tulad ni Salome. Si Salome ay isang tauhan galing sa Noli Me Tangere pero di isinama sa publikasyon kaya kakaunti lamang ang nakakaalam sa kanya. Si Josephine ang may pinakamaraming pagtutulad; siya ay ikinukumpara kina Gabriela Silang at Joan of Arc dahil tulad nila, siya rin ay naglaban kasama ng mga Katipunero kahit namatay na si Rizal. Siya ay naging isang malaking papel sa kasaysayan ng Pilipinas, ang partisipasyon niya sa “Battle of Silang” at “Battle of Dasmarinas”, hanggang sa pagkamatay niya noong taong 1902 dahil sa tuberculosis.

  • May pito pang babae na makikita sa buhay ni Rizal: Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela, Consuelo Ortiga, O-Sei San, Gertrude Beckette, Nelly Boustead, Suzanne Jacoby. Lahat sila'y may maliit o malaking epekto sa buhay ni Rizal.

  • Si Segunda Katigbak at si Leonor Valenzuela ang una niyang mga pag-ibig bago siyang pumunta sa Espanya. Nagsimula siya sa kanyang pagsusulat ng mga letra at tulang panliligaw sa kanila.

  • Si Consuelo Ortiga, isang anak ni Pablo Ortiga, ang pag-ibig ng isang kaibigan ni Rizal, si Eduardo se Lete. Dahil dito, marahil pumunta sina Rizal at mga kaibigan niya sa bahay Ortiga. Dito, umibig si Consuelo kay Rizal. Dahil sa kanyang pag-ibig kay Leonor Rivera at dahil sa kayang kaibigan si Eduardo, di siya nag-ibig kay Consuelo Ortiga.

  • Si O-Sei San ay anak ng isang Hapon na "samurai." Tiunuruan niya si Rizal ang paraan ng pagpipinta na tawag ay "sumie." Tinulungan niya rin si Rizal na gumaling sa pagsasalita ng wikang hapon. Kung wala siyang tungkulin na tulungin ang kanyang bansa, nanatili sana siya sa tabi ni O-Sei San.

  • Noong nasa London si Rizal, Nakitira siya sa bahay ng pamilyang Beckett. Si Gertrude ay ang panganay sa babaeng magkakapatid at na-inlove na inlove siya kay Rizal. Bigla na lang umalis at pumunta sa Paris si Rizal para makaiwas kay Gertrude pero bago siyang umalis, natapos niya ang "carving" ng tatlong magkakapatid at ibinigay niya ito sa kanila bilang simbolo ng kanilang pagkakakilala.

  • Dahil nawala kay Rizal si Leonor Rivera, nasa-isip niya ang posibilidad na manligaw sa ibang babae. Noong naging bisita siya sa isang city resort na tawag ay Blarittz, nakilala niya ang dalawang babaeng anak ng may-ari ng lugar. Tinuruan siya ng magkapatid kung paano "mag-fence." At si Nellie Boustead, isa sa dalawa ay "na-inlove" kay rizal. Hindi tumuloy ang kanilang relasyon nila hangang kasal dahil ayaw maging protestano si Rizal at ayaw ng nanay ni Nellie dahil hindi gaanong mayaman si Rizal.

  • Pumunta si Rizal sa Brussels galing Paris dahil mahal makatira sa Paris. Dito nakitira siya sa boarding house ng dalawang babaeng magkapatid na apelido ay Jacoby. Si Suzanne ay "na-inlove" kay Rizal at umiyak siya noong umalis si Rizal papuntang Madrid. Sinulatan niya si Rizal noong nakaalis na siya.